Kapanahunan na naman ng paglalambingan At kasama kitang mamasyal sa kung saan Kabilugan ng buwan at ang hangin ay may kalamigan Aakapin kita mahal ko sa buong magdamag.
Pagmamahalan na naman ang mararanasan Sa sariling mundong tayo lang ang may alam Kabilugan ng buwan at ang hangin ay may kalamigan Aakapin kita mahal ko sa buong magdamag.
Chorus: Halina’t pakinggan ang awit na dala ng pag-ibig Masaya ang mundo pag kapiling kitang ganito Huwag kang hihiwalay at ang puso ko ay maligaya Lapit na, o lapit pa.
Aakapin kita, mahal ko, sa buong magdamag Aakapin kita, mahal ko, sa buong magdamag.